^

Probinsiya

SUV nag-dive sa tulay: 2 dedo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
SUV nag-dive sa tulay: 2 dedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawa ang nasawi habang isa ang sugatan matapos na mahulog ang isang Mitsubishi Montero SUV sa ilog mula sa isang overflow bridge sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Barangay Centro 2, Angadanan, Isabela kamakalawa. ?

 

Kinilala ni Sr. Insp. Ardee Tion, hepe ng Angadanan Police ang mga namatay na sina Marilyn Balauag, 60 at Jean Almario, 59, kapwa taga-Angadanan habang sugatan ang mister ng huli na si Sammy Almario, 59, drayber ng SUV.?

 

Lumalabas sa im­bestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber at nadulas ang SUV habang bi­nabag­tas ang tulay dahil sa tindi ng buhos ng ulan dakong alas-5:25 ng hapon.?

Nagawa namang ma­iahon ng mga rescuers ang mga biktima at isinugod sa ospital subalit idineklarang patay sina Balauag at Gng. Almario.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with