MILF at BIFF nagkasagupa: 1 bulagta
NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Karialan faction matapos na makasagupa ng kanilang tropa ang Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao kahapon. Sa report ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, tumagal ng anim oras ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo sa Sitio Makalag, Brgy Pimbalakan, sa nasabing bayan na nagsimula pasado alas-5 ng madaling araw. Nagsasagawa umano ng security operation ang MILF-BIAF nang makaengkwentro ang grupo ni Zainudin Kiaro na miyembro ni BIFF-Karialan faction commander Hassan Indal. Nakilala naman ang nasawing BIFF member na si Saudi Sabang habang wala namang nasaktan sa panig ng MILF-BIAF. Matapos ang halos anim na oras na palitan ng putok ay umatras ang BIFF patungong Brgy. Inidalan, Shariff Saydona Mustapha.
- Latest