^

Probinsiya

3 ‘tulak’ bulagta, 2 sakote sa drug ops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 �tulak� bulagta, 2 sakote sa drug ops
Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Norberto Larigo, Ryan Mana-ay at Clifford Garcia Rabago.
File Photo

MANILA, Philippines — Bulagta ang tatlong sinasabing mga kilabot na ‘tulak’ ng droga habang dalawa pa ang nasakote sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Talisay City, Cebu, kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Norberto Larigo, Ryan Mana-ay at Clifford Garcia Rabago.

Arestado naman ang mga drug suspek na sina Chad Paul Sta. Cruz at Robinson Adlawan.

Bandang alas-2:00  ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang anti-drug operatives ng Talisay Police laban sa mga drug personalities sa Brgy. Tabunoc ng lungsod laban sa mga drug pushers na sina Rabago, Mana-ay at Larigo.

Gayunman, nakatunog ang mga suspek na agad nagpaputok na nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng mga ito.

Nakuha sa encounter site ang ilang sachet ng shabu, dalawang cal .38 revolver at isang cal. 45 pistol.

Samantalang bago ito ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa Brgy. Lagtang ng lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto kina Adlawan at Sta Cruz.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with