^

Probinsiya

Bigtime pusher timbog sa P11-M shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bigtime pusher timbog sa P11-M shabu
Arestado sa operasyon ang pusher na si Joseph Alburadora, 43-anyos, residente ng Mansasa District sa lungsod ng Tagbilaran.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang isang itinuturong bigtime na drug pusher matapos na masakote ng mga otoridad at makumpiskahan ng P11-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Tagbilaran City, Bohol nitong Miyerkules ng gabi.

Arestado sa operasyon ang pusher na si Joseph Alburadora, 43-anyos, residente ng Mansasa District sa lungsod ng Tagbilaran.

Ang operasyon na ikinasa dakong alas-8:30 ng gabi ay alinsunod sa inisyung search warrants ng korte laban sa nasabing suspek na itinuro ng mga nasakoteng drug pusher na siyang supplier nila ng shabu.

Nakumpiska mula rito ang 36 malalaking plastic na naglalaman ng shabu at karagdagan pang pitong medium packs ng nasabing uri ng droga at tinatayang nasa P11,033,000.00 ang kabuuang halaga.

Kasalukuyan na nga­yong humihimas ng rehas na bakal ang nasakoteng suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

DRUG PUSHER ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with