Sa report ng pulisya, natagpuang lumulutang sa isang kanal ang bangkay ng paslit na si Ronalyn Braga na may palatandaang ginahasa at pinahirapan bago pinatay sa sakal.
3-anyos nene ni-rape slay ng adik!
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Karu­mal-dumal ang sinapit ng isang 3-anyos na nene matapos na gahasain at brutal na patayin ng adik umanong kapitbahay na kainuman pa ng ama ng batang biktima sa Brgy. Rizal, Santiago City, Isabela kamakalawa.

Sa report ng pulisya, natagpuang lumulutang sa isang kanal ang bangkay ng paslit na si Ronalyn Braga na may palatandaang ginahasa at pinahirapan bago pinatay sa sakal.

Dahil dito, dinampot ng mga pulis si Roland Domingo matapos na inguso ng mga saksi na huling kasama ng bata noong Lunes bago natagpuan ang murang katawan nito.

?Nabatid na inamin umano ni Domingo ang krimen bagama’t lango siya sa pakikipag-inuman sa ama ng biktima na si Ronald Braga bago nangyari ang krimen.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with