^

Probinsiya

Single mom bulagta sa love triangle

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Single mom bulagta sa love triangle
Ayon sa report, alas-8:40 ng gabi nang maganap ang insidente habang naglalakad ang biktima kasama ang dalawang kaibigan matapos na makipag-inuman at magyayaang lumipat sa Porticus Bar. Nang makarating sila sa harap ng gasoline station sa nasabing lugar, bigla na lang umanong dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril si Losis.
File

KIDAPAWAN CITY , Philippines  —  Love triangle ang isa sa mga sinisilip na motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang single mother sa bisinidad ng Sinsuat Street, Brgy. Poblacion, Kidapawan City, North Cotabato, Martes ng gabi.

Kinilala ng Kidapa­wan City Police ang biktima na isang Aiko Jean Aporado Losis, 23-anyos at nakatira sa 3rd block, Lopez Street, Brgy. Poblacion, Kidapawan City.

Ayon sa report, alas-8:40 ng gabi nang maganap ang insidente habang naglalakad ang biktima kasama ang dalawang kaibigan matapos na makipag-inuman at magyayaang lumipat sa Porticus Bar. Nang makarating sila sa harap ng gasoline station sa nasabing lugar, bigla na lang umanong dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril si Losis.

Patay noon din ang bik­tima matapos na ta­maan ng bala sa noo ha­bang tumakas ang mga salarin patungong Sinsuat Extension ng Barangay Poblacion.

Nauna rito, may nakasagutan umano ang biktima na dati nitong ka-relasyon na siyang sinisilip na motibo sa krimen.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with