^

Probinsiya

NPA ambush: Parak todas, 1 grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng Brgy. Villa, Maria Aurora, Aurora nitong Martes  ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Police Officer 2 Ronald Martial Rui­dera, kasapi ng Aurora Provincial Force Mobile Company habang isinugod sa pagamutan ang sugatang si SPO2 Angelo Gawat, nakataga sa Maria Aurora Municipal Police Station (MPS).

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Amador Corpus, bandang alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang pananambang sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigas­yon  kasalukuyang buma­bagtas sa lugar  ang mga elemento ng pulisya at Army’s 91st Infantry Battalion (IB) upang magresponde sa napaulat na panunu­nog ng grupo ng NPA re­bels  pero pagsapit sa bisinidad ng Brgy Villa ng bayang ito ay bigla na lamang pinaulanan ng bala ng mga nakaposisyong kalaban.

Sa kabila ng nasa ma­taas na bahagi ang mga rebeldeng terorista ay nakipagpalitan ng putok ang mga awtoridad pero sinawimpalad na masawi  si PO2 Ruidera.

“We assure the surviving family of the financial support and benefits due to him as well as for SPO2 Gawat who is now under medical attention,” ayon kay Corpus.

Kasabay ng pakiki­ramay sa naulilang pa­milya ng pulis, kinonde­na ng opisyal ang NPA dahil sa patuloy na pag­hahasik ng terorismo na pinupuntirya ang mga PNP personnel na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin. (with trainee Hermie Rivera)

vuukle comment

AMBUSH

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with