^

Probinsiya

Dyip hinoldap: Pasahero utas, 2 suspek huli

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Dyip hinoldap: Pasahero utas, 2 suspek huli
Naisugod pa sa ospital subalit hindi na umabot pang buhay ang biktima na si Jessie Nieves, ng Brgy. Kaypian sa bayang ito.
File Photo

BULACAN, Philippines — Isang lala­king pasahero ang nasawi matapos na holdapin ng apat na armadong lalaki ang isang pampasaherong jeepney habang binabagtas ang highway ng Brgy. Kaypian sa San Jose Del Monte City, Lunes ng madaling araw.

Naisugod pa sa ospital subalit hindi na umabot pang buhay ang biktima na si Jessie Nieves, ng Brgy. Kaypian sa bayang ito.

Agad namang naaresto sa follow-up operation ang dalawang suspek na sina Ariel Avelia, 23, at Romeo Balaba, 24 habang tinutugis ang kanilang mga kasamahan na may mga alyas na Francis at Jayson.

Base sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw habang lulan ng jeep ang ilang pasahero kabilang ang biktima at nagpanggap ding mga pasahero ang apat na holdaper. Pagsapit nila sa panulukan ng Kaye Visaya sa lugar ay dito na nagdeklara ng holdap ang apat na suspek at saka isa-isang nilimas ang mga personal na gamit ng mga pasahero ngunit pumalag ang biktima na naging dahilan upang saksakin ng isa sa holdaper na si alyas Francis at saka tumakas.

vuukle comment

JEEPNEY HOLDUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with