^

Probinsiya

Amok na ‘pulis’ nasawi sa tama sa katawan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Amok na �pulis� nasawi sa tama sa katawan
Lumalabas sa autopsy ng Bulacan Crime Laboratory Office sa Malolos City, sa bangkay ng suspek na si Michael Carlo Aguilar, nasa hustong gulang, ng Brgy. Loma De Gato, Marilao, na nagtamo ang suspek ng tama ng bala sa kanyang dibdib at kaliwang braso mula sa isang 9mm na pag-aari ng rumespondeng pulis taliwas sa unang nalathala.
File Photo

BULACAN, Philippines — Nilinaw kahapon ng mga awtoridad  na nasawi ang isang lalaki na naka-bullet proof vest dahil sa tama ng mga bala sa katawan at hindi sa ulo, taliwas sa unang ulat makaraang umano’y kumasa sa mga pulis habang nagwawala at mang-hostage ng bata bitbit ang isang baril sa Brgy. Bahay Pare,  Meycauayan City noong gabi ng Oktubre 14, 2018.

Lumalabas sa autopsy ng Bulacan Crime Laboratory Office sa Malolos City, sa bangkay ng suspek na si Michael Carlo Aguilar, nasa hustong gulang, ng Brgy. Loma De Gato, Marilao, na nagtamo ang suspek ng tama ng bala sa kanyang dibdib at kaliwang braso mula sa isang 9mm na pag-aari ng rumespondeng pulis taliwas sa unang nalathala.

Matatandaan na humingi ng tulong ang Barangay Bahay Pare sa pulisya hinggil sa pagwawala ng isang lalaki na nagpakilala umanong pulis at nakasuot ng bullet proof vest na may nakasulat na “Police” at may bitbit na armas at nang rumesponde ang mga tauhan ni P/Supt. Santos Mera ng Meycauayan City Police at sinubukan itong pasukuin subalit sa halip ay lumaban at nagawa pang manghostage ng isang bata subalit agad itong nakatakas sa suspek at muling namaril na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Samantala, nililinaw na hindi ninanais na siraan ang pagkatao at reputasyon ng nasawi bagkus ay galing lamang ang naturang ulat sa pulisya. Gayunman, humihingi ng paumanhin ang pahayagang ito sa anumang pagkakamali sa mga naulila at kaanak ng nasawi.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with