Amok naka-bullet proof  vest, bulagta sa parak!
Napuruhan sa ulo na dagliang ikinasawi ng suspek na si Michael Carlo Aguilar, 53, ng Dolmar Golden Hills, Brgy. Loma De Gato, Marilao.
Amok naka-bullet proof vest, bulagta sa parak!
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2018 - 12:00am

Namaril, nang-hostage ng bata

BULACAN  , Philippines  —   Patay ang isang lalaki na nakasuot ng bullet proof vest na may sulat na “Police” at hinihinalang lango sa droga matapos na umano’y kumasa sa mga pulis dahil sa pagwawala, pamamaril at pangho-hostage ng isang bata sa Brgy. Bahay Pare, Meycauayan City, Sabado ng gabi.

Napuruhan sa ulo na dagliang ikinasawi ng suspek na si Michael Carlo Aguilar, 53, ng Dolmar Golden Hills, Brgy. Loma De Gato, Marilao.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang ireport ng Barangay Bahay Pare sa pulisya ang pagwawala umano ng isang lalaking nakasuot ng bullet proof vest na may marking na Police at armado ng baril na pinapuputok sa ere saka naghahamon ng away sa mga residente sa lugar.

Nang rumesponde at dumating sa lugar ang mga pulis, nadatnan nila ang suspek sa gitna ng kalsada na may hawak na baril.

Sinubukan ng mga pulis na pasukuin ang suspek at dito na muling namaril at saka tumakbo papatakas hanggang sa makasalubong ang isang bata na ginawa nitong hostage. Gayunman, agad na nakatakas ang paslit at nang mamaril muli ang suspek ay dito na napilitan ang mga pulis na paputukan ang huli na duguang bumulagta sa kalsada.

Narekober ng SOCO sa napatay na suspek ang isang .45 na pistola, isang magazine, mga bala at apat na sachet ng shabu. 

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with