^

Probinsiya

2 dedbol sa pamamaril

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KORONADAL CITY - South Cotabato , Philippines  —   Patay ang dalawang katao kabilang ang isang bagong layang drug suspect sa magkakahiwaly na insidente ng pamamaril sa lungsod na ito, kahapon. Agad na bumulagta sa Brgy. Topland ang biktimang si Gabriel Carreon, nasa hustong gulang, matapos na taniman ng bala sa ulo ng ‘di pa nakikilalang suspek. Ayon sa kanyang misis, ang biktimang si Carreon ay kalalabas pa lamang sa kulungan matapos makapagpiyansa sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.  Samantala patay din sa pamamaril ang isang mekaniko kahapon. Kinilala ang biktima na si Edwin Torio, na binaril ng mga salarin sa tapat ng isang bodega sa Osmeña St. Brgy Zone I. Ang biktima ay dead-on-the-spot dahil sa matinding tama ng bala ng baril sa ulo. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa mga naturang pamamaril.

vuukle comment

SHOOTINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with