^

Probinsiya

18-anyos ‘tulak’ todas sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —   Isang 18-anyos na ‘tulak’ ng droga ang bumulagta matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 48-A, lungsod ng Cavite, kamakalawa ng hapon. Ang tumimbuwang na suspek ay kinilalang si Jordan Bernal Jr., 36, residente ng naturang lungsod.  Dakong alas-2:30, habang nagpapalitan ng droga at buy-bust money ang suspek at posur buyer na pulis ay nakahalata ito na pulis ang ka-deal kaya’t mabilis na tumakas kung saan nagkahabulan pa hanggang sa makorner sa isang lugar sa sementeryo.

Ngunit imbes na sumuko ay nakipagbarilan ang suspek na agad namang ginantihan ng pulis hanggang sa mapuruhan at duguang bumulagta. Narekober sa suspek ang isang kalibre .45 baril, isang pouch na naglalaman ng 2 sachet ng shabu at P300 marked money.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with