2 todas, 15 sugatan sa drug ops

BULACAN , Philippines — Nasawi ang dalawang umano’y ‘tulak’ ng shabu na kapwa nakatala sa Barangay Anti-Drug Abuse Council habang 15 iba pa ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar dito, Lunes ng gabi at Martes ng madaling araw.
Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga suspek na sina Ronaldo De Vera, ng Sitio Pintong Bato, Brgy. Guyong sa Santa Maria at isang Norman Piga, ng Brgy. Batia, sa bayan ng Bocaue.
Sa unang ulat ni P/Supt. Carl Omar Fiel ng Santa Ma-ria Police dakong alas-5:20 ng madaling-araw nang makipagkita si De Vera sa Brgy. Guyong sa isang poseur buyer at kaagad na nagpalitan ng items ngunit nakahalata ang suspek saka mabilis na tumakbo sa bakanteng palayan at pinaputukan ang mga operatiba.
Gayunman, naging maagap sila at nakipagbarilan sa suspek sanhi ng agarang pagkasawi ng huli habang nakatakas ang kasabwat nito. Samantala sa kalsada naman natapos ang buhay ng isa pang drug suspect na si Piga matapos na pumalag habang inaaresto ng mga tauhan ni P/Supt. Jaquiline Puapo ng Bocaue Police sa drug bust operation sa Rodriguez St., Brgy. Batia.
Natimbog naman ang 15 katao sa magkakasunod na drug bust operation ng pulisya sa Malolos, San Jose Del Monte, Meycaua-yan, Hagonoy, San Miguel, Plaridel, Paombong, Santa Maria, San Rafael at Angat at narekober sa kanila ang 47 pakete ng shabu, drug paraphernalias at marked money. Nakuha rin sa dalawang nasawing suspek ang isang .22 revolver, isang .357 magnum, mga basyo ng bala, 13 pakete ng shabu at P1,500 marked money.
- Latest