^

Probinsiya

‘Tulak’ bulagta sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Tulak’ bulagta sa drug ops
Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan ang suspek na kinilalang si Michael Estillone alyas Ganie, nasa hustong gulang, drayber at residente ng Brgy. Panghulo, sa bayan ding ito.

BULACAN , Philippines  —  Tumimbuwang ang isang hinihinalang ‘tulak’ ng droga matapos umanong manlaban habang hinahabol ng mga pulis sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Tawiran, bayan ng Obando, Lunes ng madaling araw.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan ang suspek na kinilalang si Michael Estillone alyas Ganie, nasa hustong gulang, drayber at residente ng Brgy. Panghulo, sa bayan ding ito.

Sa ulat  sa Camp Alejo Santos, dakong ala-1:30 ng mad­aling araw nang makipagkasundo ang poseur buyer ng shabu na isang pulis sa suspek na magkikita sila sa isang lugar sa Brgy. Tawiran, Nang duma­ting ang suspek kasama ang drayber ng minamanehong motorsiklo ay agad na lumapit ang pulis sa dalawa. Nang nag-aabutan na ng droga at marked money, dito na nakahalata ang kasamahan ni Ganie sanhi upang sila ay tumakas.

Dahil naman sa kalituhan, nahulog si Ganie sa motorsiklo saka tumakbo subalit hinabol siya ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Leo Estorque ng Obando Police. Habang tumatakbo, pinaputukan umano ng baril ni Ganie ang mga pulis sanhi para gumanti ang mga ito at nag­resulta ng kanyang kamataya.

Narekober sa lugar ang isang .38 revolver, mga basyo ng bala, 10 sachet ng shabu, P500 marked money.  

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with