^

Probinsiya

Lady trader ng alahas, itinumba

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Lady trader ng alahas, itinumba
Kinilala ng Mamasapano Police ang biktima na si Mariam Uy Acob, nasa tamang edad at residente rin sa lugar.

MANILA, Philippines — Patay ang isang babaeng negosyante ng mga gold jewelry matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect na sakay ng motorsiklo kahapon ng hapon sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguin­danao.  

Kinilala ng Mamasapano Police ang biktima na si Mariam Uy Acob, nasa tamang edad at residente rin sa lugar.        

Sa inisyal na ulat ng pulisya, pasado alas-3 ng hapon habang sakay ng tricycle ang biktima at papauwi na sana sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng gunman.  

Bagaman naisugod pa sa IPHO Maguindanao ang biktima, idineklara siyang dead-on-arrival dahil sa apat na tama ng bala sa ka­tawan.  

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung ano ang motibo ng mga suspect sa pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with