^

Probinsiya

Kasambahay tinodas ng tandem

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Kasambahay tinodas ng tandem
Sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa kaliwang sentido at baywang, hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Meriam Mallorca, 42, may asawa.

MANILA, Philippines — Isang kasambahay ang nasawi nang ratratin ng punglo ng ‘di pa natutukoy na armadong riding-in-tandem habang papasok ng kanilang tahanan sa Brgy. Poblacion, Sto. Niño, South Cotabato, kamakalawa ng umaga.

Sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa kaliwang sentido at baywang, hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Meriam Mallorca, 42, may asawa.

Sa ulat ng Sto. Nino PNP, dakong alas-11:20 ng tanghali habang papasok sa kanilang bahay sa Purok Mercado sa naturang lugar ang biktima nang biglang dumating ang mga salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril si Mallorca hanggang sa duguang bumulagta.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod naman sa ospital ang biktima kung saan idineklarang dead-on-arrival. Ina­alam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

KILLED BY RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with