^

Probinsiya

2 Cafgu sugatan sa engkuwentro

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 Cafgu sugatan sa engkuwentro
Kinilala ang mga Cafgu na si Roberto Tripulca at Ivan Napay, kapwa kasapi ng Doña Mercedez Patrol Base, Bravo Company ng 22nd Infantry Batallion ng Philippine Army sa nasabing barangay.

MANILA, Philippines — Sugatang isinugod sa pagamutan ang dalawang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang makaengkuwentro ang mga rebeldeng New People’s Army sa bulubunduking lugar ng Purok 3, Brgy. Dona Mercedez sa bayan ng Guinobatan, Albay kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga Cafgu na si Roberto Tripulca at Ivan Napay, kapwa kasapi ng Doña Mercedez Patrol Base, Bravo Company ng 22nd Infantry Batallion ng Philippine Army sa nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga, habang nagsasagawa nang combat patrol operation ang mga sundalo ng Army at Cafgu nang masalubong ang hindi malamang bilang ng mga rebelde.

Nagkaroon agad nang putukan ang magkabilang panig na tumagal ng ilang minuto hanggang umatras ang mga rebelde.

Makaraan nang putukan nakitang sugatan sa kanilang katawan ang dalawang Cafgu kaya agad silang isinugod ng mga kasamahan sa ‘di binangit na ospital sa Legazpi City.

Pinaniniwalaan namang may mga nasugatan din sa panig ng mga rebelde.

vuukle comment

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with