^

Probinsiya

Vice mayor timbog sa armas

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Vice mayor timbog sa armas
Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP-CIDG Chief P/Director Roel Obusan, kinilala ang nasakoteng opis­yal na si Kitcharao Vice Mayor Jenry Montante.
File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang bise alkalde ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) CARAGA Region makaraang salakayin ang bahay nito at makum­piskahan ng mga baril at bala sa Brgy. Sa­ngay, Kitcharao, Agusan del Norte nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP-CIDG Chief P/Director Roel Obusan, kinilala ang nasakoteng opis­yal na si Kitcharao Vice Mayor Jenry Montante.

Ayon kay Obusan, dakong alas-7:00 ng umaga nang salakayin ang bahay ni Montante at arestuhin ito sa bisa ng search warrant na inisyu ng CIDG Regional Force Unit 13 at 1st Special Action Battalion-Special Action Force, Provincial Mobile Force Company sa Agusan del Norte at Kitcharao Municipal Police Station (MPS). Bago ito, ayon sa opis­yal ay nakatanggap ng report ang CIDG Regional Office hinggil sa umano’y pagmamay-ari ng bise alkalde ng mga armas na walang lisensya.

Sa naturang raid ay nasakote ang bise alkalde at nakumpiskahan ng isang M-16 rifle, dalawang magazine at 35 rounds ng bala.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law si Montante.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with