^

Probinsiya

Magsasaka patay sa landslide

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang mag­sasaka matapos na mailibing nang buhay nang matabunan ng lupa nang gumuho ang isang bahagi ng bundok malapit sa kanyang sakahan sa Brgy. Sipaco sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur noong Huwebes ng hapon.

Wala nang buhay nang mahukay at matagpuan ng mga kaanak at residente ang biktimang si Darwin Bermejo, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon, dahil sa ilang araw na pagbuhos ng ulan ay lumambot ang lupa at biglang gumuho ang itaas na bahagi ng bundok at tumabon sa biktima.

Agad sumaklolo ang mga residente at opisyal ng barangay at nagtulung-tulong sa paghukay sa biktima.

Gayunman, dahil sa dami ng lupa na tumabon kay Bermejo patay na ito nang mahukay.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with