^

Probinsiya

Ex-teacher, 1 pa sinuwag ng motor

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ex-teacher, 1 pa sinuwag ng motor
Kapwa isinugod sa Sipocot District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktima na retiradong guro na si Felicisima Alday, at Evelyn Abaquita, 52-anyos, mga residente ng nasabing barangay.

Rider lango sa alak

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang 72-anyos na dating guro at ang kasama nito matapos silang suwagin ng isang motorsiklo habang naglalakad sa tabi ng Maharlika National Highway ng Brgy. North Villazar sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Kapwa isinugod sa Sipocot District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktima na retiradong guro na si Felicisima Alday, at Evelyn Abaquita, 52-anyos, mga residente ng nasabing barangay.

Sugatan naman ang lasing na driver ng nakabanggang motorsiklo na si Rommel Ferme, 21-anyos, residente ng Brgy. San Isidro.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon, naglalakad ang mga biktima sa tabi ng highway nang mula sa kanilang likuran ay biglang sumulpot at sinalpok sila ng motorsiklong walang plaka na minamaneho ng suspek.

Sa lakas nang pagkakabangga parehong tumilapon ang mga biktima na agad isinugod sa ospital ng mga residente pero nasawi bago pa dumating sa pagamutan.

Sugatan naman at patuloy na inoobserbahan ang nakabanggang rider.

Lumalabas sa imbistigasyon na lasing ang suspek na si Ferme na pinaniniwalaang naidlip habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo kaya nawalan ng kontrol at bumangga sa mga biktima.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with