^

Probinsiya

Dating ‘hulidap cop’ nilikida

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Dating �hulidap cop� nilikida
Sa ulat ng PNP Tuguegarao City, angkas si dating PO3 Lucas Mangada 36 ni Kurt Javier sa motorsiklo galing sa pansitan nang ratratin sila dakong 11:30 ng tanghali.
File Photo

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang dating alagad ng batas na umano’y sangkot sa ‘hulidap’ habang sugatan ang dalawa nitong kasamahan matapos silang ratratin ng armadong riding-in-tandem sa labas ng isang pansitan sa Brgy. Centro 4, Tuguegarao City, Cagayan, kahapon ng tanghali.

Sa ulat ng PNP Tuguegarao City, angkas si dating PO3 Lucas Mangada 36 ni Kurt Javier sa motorsiklo galing sa pansitan nang ratratin sila dakong 11:30 ng tanghali.

Nagpulasan at nagsigawan ang mga tao sa pa­ligid kasunod ng alingawngaw ng putok ng baril hanggang tumambad ang natumbang motorsiklo kung saan bumulagta si Mangada habang sugatan si Javier at angkas nitong 3-anyos na totoy sa harapan na nagtamo naman ng bukol at galos.

Lumalabas sa imbestigasyon na suspek si Lucas sa serye ng mga holdapan sa mga estudyante sa lungsod matapos siyang positibong kilalanin ng kanyang mga biktima.

Ayon sa mga nagreklamo, nagpapakilalang taga-CIDG ang dating pulis saka pinagbabantaang tataniman ng shabu ang mga ito kung hindi nila iaabot ang kanilang cellphone at pera.

Nabatid na dating kasapi ng intelligence ng PNP Tuguegarao City si Lucas bago ito matanggal sa serbisyo dahil sa kaso sa droga. (Victor Martin)

vuukle comment

HULIDAP COP ARREST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with