^

Probinsiya

Station manager, news director tiklo sa entrapment!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Station manager, news director tiklo sa entrapment!
Kinilala ng NBI ang station manager na si Jonathan Macai­ling habang ang news director ay si Salvador Galano.

‘Frame-up’, sigaw ng mga dinakip

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Arestado ang station manager at news director ng Bombo Radyo-GenSan matapos ang inilatag na entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangingikil sa isang pastor sa loob ng isang kilalang mall sa General Santos City, Martes ng hapon.

Kinilala ng NBI ang station manager na si Jonathan Macai­ling habang ang news director ay si Salvador Galano.

Kinumpirma mismo ni Pastor Joel Apolinario, founder ng (Kapobrehon Padatuon) KAPA ministry na nagpapa-interes ng 30% sa mga naglalagak ng kanilang puhunan, ang naganap na entrapment laban sa dalawang opisyal ng Bombo Radyo.

Ayon kay Apolinario, iniabot niya ang P5 milyon bilang inisyal sa hinihingi umanong P10 milyon ni Macai­ling para matigil na ang isyu laban sa KAPA na umano’y ilang linggo nang binabanatan ng nasabing istasyon at sinasabing ito ay isang “scam”.

Nabatid na bago pa sa hinihinging P10 milyon,  kinumpirma ni Apolinario na nakapagbigay na siya ng P400,000 para ma­tigil ang isyu laban sa KAPA sa loob ng isang linggo. Subalit makalipas ang isang linggo, humingi umano ng karagdagang P10 milyon si Macailing kung kaya alas-3:00 ng hapon, tinawagan ni Apolinario si Macailing para ibigay ang inisyal na P5 milyon. Humingi rin siya ng tulong sa NBI at dito na isinagawa ang entrapment operation.

Iginiit naman ni Macailing na “frame-up” lang ang nangyari at walang katotohanan ang bintang laban sa kanya. Nag-alok umano ang pastor na magbibigay ng mala­king halaga kapalit ng hindi pagbanat sa KAPA subalit “sponsorship” umano ang hi­ningi ni Macailing para sa programang “Du­gong Bombo”. Aniya, hindi niya nahawakan ang sinasabing pera ng negosyanteng pastor bagkus ang kanilang transaksyon lang sana ay aalukin nila itong mag-sponsor sa kanilang paparating na event. 

vuukle comment

KIDNAPPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with