^

Probinsiya

Kagawad hulog sa bangin, patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang barangay kagawad na nagkalsug-lasog ang katawan nang  aksidenteng mahulog sa isang malalim at mabatong bangin sa Brgy. Balok, Katipunan, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ni Chief ­Inspector Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO)-9 ang nasawi na si Brgy. Councilor Rolan Lumon, 31, na  nagtamo  ng  malalalim na sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sanhi ng matatalim na bato nang bumagsak sa tinatayang 130-150 metrong lalim na bangin.

Nauna rito, nagtungo sa ilog ang biktima at bayaw nitong si Sannyboy Sumampon para mangisda nang mawalan ng balanse ang kagawad sa pagtayo nito sa ituktok ng bangin. 

Narekober ng mga rescuers ang bangkay ng biktima sa mabatong bahagi sa ibaba ng bangin. (trainee Hermie Rivera)

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with