^

Probinsiya

Engkuwentro sa Cavite: 1 utas, 1 huli

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Engkuwentro sa Cavite: 1 utas, 1 huli
Tumimbuwang ang suspek na si Masedin Ayob alias “Mase” matapos na kumasa sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias, Cavite habang arestado ang kasama nito na si Samad Bacaraman (inset) at nakumpiska sa mga suspek ang hinihinalang mga shabu, pera at baril.
Cristina Go-Timbang

CAVITE, Philippines — Isa ang kumpirmadong patay nang mauwi sa engkuwentro ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya habang arestado ang isa pang suspek kahapon sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias, lalawigang ito.

Kinilala ang napatay na suspek na si Masedin Ayob alyas “Mase”, nasa hustong gulang habang nadakip ang kasama nito na si Samad Unda Bacamaran, nasa drug watchlist at nakumpiskahan ng may P200,500 halaga ng shabu sa naarestong suspek na nakilalang si Samad Unda Bacaraman, nasa drug watchlist, nasa hustong gulang, kapwa ng Tropical Village Pabahay 2000 Brgy. San Francisco, General Trias City.

Sa ulat kay P/Supt. Paul Bometivo, hepe ng Gen. Trias Police, alas-11:15  ng umaga nang ilatag ng General Trias-Drug Enforcement Unit kasama ang PDEA  ang operasyon laban sa dalawang suspek. Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nakipag-deal sa mga suspek subalit hindi pa man naisasagawa ang buy-bust ay nakahalata si Mase dahilan upang bumunot ng baril at pinaputukan ang ka-deal. Agad namang nakailag ang pulis hanggang sa gumanti siya ng putok na ikinabulagta ni Mase habang naaresto ang kasamang si Bacamaran.

Narekober sa mga suspek ang may 11 plastic sachet ng shabu na nasa 33 gramo at P200,500 ang halaga, at isang P500 bill.

CAVITE SHOOTOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with