^

Probinsiya

Suspek sa rape-slay ng 11-anyos, umamin

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa rape-slay ng 11-anyos, umamin
Batay sa extra-judicial confession na isinagawa ni Atty. Christopher Daus, Public Attorney III ng Public Attorney’s Office (PAO) ng Palayan City District Office, inamin ng suspek na si Felix Dela Cruz, isang magsasaka ng Barangay Siclong, Laur, Nueva Ecija, ang kanyang kasalanan sa biktimang si Aprilyn Navarro, Grade 5 pupil ng nasabing barangay.
File Photo

NUEVA ECIJA, Philippines — Umamin na ang isang 21-anyos na lalaki sa ginawa niyang karumal-dumal na krimen matapos niyang patayin sa sakal at gahasain ang isang 11-taong gulang sa Barangay Siclong sa bayan ng Laur, lalawigang ito noong Setyembre 12.

Batay sa extra-judicial confession na isinagawa ni Atty. Christopher Daus, Public Attorney III ng Public Attorney’s Office (PAO) ng Palayan City District Office, inamin ng suspek na si Felix Dela Cruz, isang magsasaka ng Barangay Siclong, Laur, Nueva Ecija, ang kanyang kasalanan sa biktimang si Aprilyn Navarro, Grade 5 pupil ng nasabing barangay.

Ayon sa suspek, nagawa lang diumano niya ang krimen da­hil sa galit nito sa ama ng biktima na kanya umanong amo sa bukid. Aniya, ika-12 ng Setyembre, bandang alas-4:30 ng ha­pon nang kanya umanong kaladkarin ang batang biktima sa madamong bahagi ng lupaing pag-aari ng pamilya Navarro na nasa paanan ng bundok.

Doon ay tinakpan umano ng suspek ang bibig ng batang biktima at saka sinakal hanggang sa hindi na makahinga at bawian ng buhay. Nang hindi na humihinga ang bata, hinubaran umano niya ito at saka ginahasa. Matapos na makaraos, inilagay ng suspek ang wala nang buhay na biktima sa loob ng isang sako at tinakpan ito ng ipa o balat ng palay  upang maitago umano ang ginawang krimen. Natagpuan ang katawan ng biktima kinabukasan matapos gawin ang krimen.

vuukle comment

SUSPEK IN RAPE-SLAY ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with