^

Probinsiya

Kagawad nilikida ng NPA

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kagawad nilikida ng NPA
Anim na punglo ang tumama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktimang si Ruben Riveral habang hindi naman sinaktan ang kanyang anak na si Marvin Riveral, 14.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Dead-on-the-spot ang 40-anyos na kagawad ng barangay matapos pagbabarilin ng liquidation squad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa harap mismo ng kanyang anak sa gitna ng kanilang palayan sa Sitio Pahak, Brgy. San Pedro, San Pascual, Masbate kamakalawa ng umaga.

Anim na punglo ang tumama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktimang si Ruben Riveral habang hindi naman sinaktan ang kanyang anak na si Marvin Riveral, 14. Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga, nagtungo ang biktima at anak sa kanilang bukid para tingnan ang tanim na palay.

Gayunman, ilang sandali lang ay dumating ang tinatayang 15-rebelde na armado ng mahahabang uri ng baril at pinadapa sa palayan ang kagawad. Matapos dumapa sa gitna ng palayan, anim na beses binaril ng mga rebelde ang biktima na agad nasawi habang hindi naman nakakilos sa sobrang takot ang binatilyong anak.

Nang masigurong patay na ang biktima, tumakas ang mga rebelde patungo sa bulubunduking bahagi ng barangay.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with