Hawak na ng Joint Task Force Sulu (JTFS) ang tatlong Indonesian hostages na pinalaya ng Abu Sayyaf Group (ASG) dahil sa pagsisikap ni Sulu Governor Abdusakur Tan Sr. at ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pakikipagnegosyasyon sa mga bandido sa isang village sa Indanan, Sulu kahapon. Nagpakuha ng larawan (R-L) ang Indonesian military officer, tatlong pinalayang dayuhan, Joint Task Force Sulu commander Brig. Rey Divino Pabayo sa headquarters ng JTFS sa loob ng Camp Teodulfo Bautista sa Brgy. Bus-bus, Jolo.
(Kuha ni Roel Pareno)
3 Indonesian hostages pinalaya
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong Indonesian nationals na dinukot ng bandidong grupo na Abu Sayyaf  Group (ASG) ang ligtas na sa kapahamakan makaraang palayain ng mga terorista kamakalawa ng hapon  sa Sulu.

Kinilala ang mga dayuhang pinalaya na sina Hamdam Salim, 34-anyos, Subandi Sattuh, 27 at Sudarlan Samansung, 41 anyos.

Base sa ulat ng Western Mindanao Command, dakong alas-4 ng hapon  ng palayain ang mga hostages sa Brgy. Buanza, Indanan Sulu.

Kaagad silang itinurn over kay Brigadier General Divino Rey Paay Jr.,  Commander ng Joint Task Force Sulu, dating governor Abdusakur Tan at Provincial Director ng Sulu Provicial Police. Senior Supt. Labra.

Mabilis na dinala ang mga hostages sa Kuta He­neral Teodulfo Bautista Station Hospital para sa medical check-up at sasailalim sa stress debriefing 

Nakikipag-ugnayan na ang gobyerno ng Pilipinas sa mga opisyal ng Indonesia kaugnay sa pagtu-turnover ng pamahalaan sa tatlong dayuhan.

Ang tatlong Indonesian ay dinukot ng ASG sa Sabah, Malaysia noong  Enero 18, 2017 habang sakay ng speedboat sa karagatan ng Taganak Island sa Tawi-tawi.

ABU SAYYAF GROUP KIDNAPPED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with