^

Probinsiya

Trader itinumba sa harap ng pamilya

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Trader itinumba sa harap ng pamilya

BULACAN  , Philippines  —  Karumal-dumal ang sinapit ng isang la­laking negosyante na sinasabing nasa drug watchlist matapos na pasukin ng dalawang ‘di kilalang armadong lalaki sa kanyang bahay at pinagbabaril sa harap ng pa­milya habang nasa kasarapan sila ng tulog sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City kamakalawa ng ma­daling araw.

Napuruhan sa ulo at katawan na naging dahilan ng agarang kamatayan ng biktimang si Arnie Dimpaso, 28, scrap trader, ng Malabon Triangle Malaysia St.,Brgy. Sto. Cristo sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:57 ng madaling-araw habang mahimbing na natutulog ang biktima kasama ang kanyang asawa at mga anak sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa naturang lugar at ilan pang sandali ay biglang dumating ang mga suspek na nakasuot ng bonnet at armado ng ‘di  pa batid na kalibre ng baril saka nagtungo sa ikalawang palapag.

Nang makita ang kanilang pakay ay dito na nagpa­kawala ng sunod sunod na putok ang mga salarin sa biktima na nagresulta ng kamatayan nito habang hindi naman sinaktan o ginalaw ang kanyang pamilya at nang masigurong wala na itong buhay ay kaagad na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Lumalabas na isinasangkot ang biktima sa serye ng pagnanakaw at nakatala rin umano siya sa Barangay Anti-Drugs Abused Council watchlist sa kanilang lugar.

Sinisilip ang anggulong onsehan sa partehan ng pera ang isa sa motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with