Sa ulat ng Mlang Po­lice, nasawi habang ginagamot sa ospital ang biktima na si SPO1 Jovette Solanon Galan, 40-anyos, may asawa at residente ng Purok 3 ng nasabing barangay dahil sa maraming tama ng bala sa katawan.
Parak itinumba ng tandem
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Patay ang isang mi­yembro ng Mlang Police matapos na pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang dalawang suspek sa tulay na sakop ng Purok 1, Barangay Lika, nang nasabing bayan, Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng Mlang Po­lice, nasawi habang ginagamot sa ospital ang biktima na si SPO1 Jovette Solanon Galan, 40-anyos, may asawa at residente ng Purok 3 ng nasabing barangay dahil sa maraming tama ng bala sa katawan.

Sa ulat mula kay Vice Mayor Joselito Piñol, inihatid lamang ng biktima ang kanyang misis sa kanilang bahay sa Barangay Lika at mga bandang alas-6:30 ng gabi habang pabalik na sa kanilang police station sa Poblacion nang pagbabarilin siya ng isa sa mga suspek na sakay ng kulay asul na Honda RS at saka sila tumakas papunta sa direksyon ng Matalam.

CRIME SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with