Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Peter Anthony Blancaver, residente ng Pilar Capiz at graduating nursing student ng University of San Agustin habang sugatan naman ang anim na mga kasama nito na kinilalang sina Saint John Zerrudo, 19; Benz Ryan Blancia, 20; Marko Dumarao, 20; Jaro Ricamonte, 21; at Jeovien Bacuyani 19-anyos pawang mga taga-Buenavista, Guimaras.
File Photo
Graduating nursing stude, utas sa road crash
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2018 - 12:00am

6 pa sugatan

MANILA, Philippines — Naglahong parang bula ang mga pangarap ng isang 19-anyos na graduating nur­sing student makaraang masawi habang anim naman ang sugatan matapos na sumpalpok ang kanilang sinasakyang kotse sa isang puno sa Brgy. Guzman Jesena, Mandurriao sa lungsod ng Iloilo, kama­kalawa ng mada­ling araw.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Peter Anthony Blancaver, residente ng Pilar Capiz at graduating nursing student ng University of San Agustin habang sugatan naman ang anim na mga kasama nito na kinilalang sina Saint John Zerrudo, 19; Benz Ryan Blancia, 20; Marko Dumarao, 20; Jaro Ricamonte, 21; at Jeovien Bacuyani 19-anyos pawang mga taga-Buenavista, Guimaras.

Batay sa imbestigasiyon ni PO2 Louie Alilano, traffic investigator ng Mandurriao-PNP, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang mangyari ang aksidente kung saan galing ang mga ito sa isang birthday party.

Bigla umanong nag-overtake ang driver ng sinasakyan nilang Chevrolet Sedan na minamaneho ni Rundy Monsale Jr, 20-anyos at residente ng Barangay Baybay Sur, Miag-ao, Iloilo, nang bigla umanong nag-alangan at nawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa sumalpok sa isang puno sa gilid ng highway.

Agad namang naisu­god sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival si Blancaver habang nilapatan naman ng lunas ang anim niyang kasamahan na nasugatan sa naturang insidente.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with