?Sa report kay Kalinga Police Director Sr. Supt. Alfredo Dangani, pabalik sa Brgy. Dao-angan ang sasakyang minamaneho ni Francisco Gumaad Jr. sakay ang 50 katao mula sa munisipyo ng Balbalan na kumuha ng kanilang cash assistance mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD nang maganap ang trahedya dakong ala-1:30 ng hapon.?
Jeep nag-dive sa bangin: 14 patay!
Raymund Catindig, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2018 - 12:00am

25 pa sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —   Labing-apat na pasahero na karamihan ay senior citizens at mga benipisaryo ng 4Ps ang nasawi habang 25 pa ang malubhang sugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang jeepney sa 80 metrong lalim na bangin sa kabundukan ng Sitio Binalagan, Brgy. Dao-angan, Balbalan, Kalinga kamakalawa.

 ?Sa report  kay Kalinga Police Director Sr. Supt. Alfredo Dangani, pabalik sa Brgy. Dao-angan ang sasakyang minamaneho ni Francisco Gumaad Jr. sakay ang 50 katao mula sa munisipyo ng Balbalan na kumuha ng kanilang cash assistance mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD nang maganap ang trahedya dakong ala-1:30 ng hapon.? Nawalan ng kontrol sa manibela si Gumaad sa pabulusok at pakurbadang daan hanggang sa dumiretso sa bangin.?

Nakilala ang mga dead-on-the-spot na sina Victorino Banglagan, 67;  William Gamongan, 65; Soledad Dammay, 70; Leota Maday 72;  Eliza Amoga, 70; Angelina Benito, 62; Rosario Badong, 65; Benjamin Badong, 68;  Isabel Bagni, 67; Terresa Dulansi, 70; Agida Palangdao, 62; Annie Baluga, 45, at Lolita Latawan, 68, habang si Martin Canao, 67, na inilipat sa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City ay namatay habang ginagamot. ?

Ginagamot naman sa Western Kalinga District Hospital ang mga suga­tan na sina Gumaad Jr., (drayber); Arnel Banglagan; Anna Bagwingan, Laika Barbosa, Imelda Cuzon, Manuel Banguingan, Caridad Palicas, Jennifer Esteban, Irene Dammay, Pedro Maday, Agida Palangdao,  Lolita Gullitis, Mercedez Kingbao, Joselyn Gannisi, Conchita Canao, Socorro Naganag, Sonia Barbosa,  Necita Daggay, Concordia Manadao, Bartolome Balcanao, Patricio Maday, Edmund Duguit, Mariano Palicas, Nanette Gamongan at  Leonarda Dumaguing.?

Nagpaabot naman ng P15,000 cash assistance ang DSWD Cordillera office sa bawat namatayan para sa gastusin sa kabaong at pagpapa-libing ng mga nasawi nilang kaanak.

ACCIDENT CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with