Ayon kay AFP Spokesman Lt. Col. Gerry Besana, spokesman ng AF –Western Mindanao Command (AFP-Westmincom), kasalukuyan pa nilang beneberipika ang ulat na kidnapping sa dalawang Indonesian.
2 Indonesian kinidnap ng Sayyaf
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang Indonesian ang umano’y kinidnap ng mga hinihinalang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Malaysia na tumahak patungo sa direksyon ng karagatan ng Pilipinas sa Sulu kamakalawa.

 Ayon kay AFP Spokesman Lt. Col. Gerry Besana, spokesman ng AF –Western Mindanao Command (AFP-Westmincom), kasalukuyan pa nilang beneberipika ang ulat na kidnapping sa dalawang Indonesian.

 Sa ulat, ang dalawang Indonesian na inaalam pa ang pagkakakilanlan ay kasalukuyang sakay ng isang fishing vessel sa Sabah, Malaysia nang harangin at dukutin ng mga armadong kalalakihan sakay ng isang pump boat.

 Ayon kay Besana,  ang dalawang dayuhan ay tina­ngay ng mga armadong kid­nappers sa Sulu pero sketchy pa ang impormasyon ukol dito. Naghihintay pa umano sila ng update mula sa Task Force INDOMALPHI (Indonesia, Malaysia, Philippines) sa Tawi-Tawi  at Naval Forces Western Mindanao (NAVFORWest) sa napaulat na kidnapping.

 Inalerto na ang AFP Joint Task Force Sulu para sa posibleng pagpasok ng mga kidnappers sa lalawigan ta­ngay ang panibagong mga bihag. (trainee Hermie Rivera)

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with