Kinilala ni PNP Region-12 Information Officer Superintendent Aldrin Gonzales ang pangunahing suspect na si Aladin Mohammad Kikay kasama ang 24 na iba pang mga miyembro ng Islamic State Inspired-Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF. Si Kikay ay pinsan ni Abu Toraife o Abdulmalik Esmael, lider ng isa sa tatlong faction ng BIFF.
File
25 suspek sa Isulan bombing kinasuhan na
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng mga kasong multiple murder at frustrated murder sa Sultan Kudarat Provincial Prose­cutor’s Office ang nasa 25 katao na sinasabing responsable sa August 28 Isulan bombing.  

Kinilala ni PNP Region-12 Information Officer Superintendent Aldrin Gonzales ang pangunahing suspect na si Aladin Mohammad Kikay kasama ang 24 na iba pang mga miyembro ng Islamic State Inspired-Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF. Si Kikay ay pinsan ni Abu Toraife o Abdulmalik Esmael, lider ng isa sa tatlong faction ng BIFF.  

Ang grupo nito kasama ang iba pa ang itinuturong nasa likod ng unang insidente ng pambobomba sa Isulan, ayon sa community elders ng Shariff Saidona, Maguinda­nao. Matatandaang, nasawi ang tatlo katao habang mahigit 30 ang nasugatan sa August 28 bombing. Sinundan ito noong Setyembre 2, na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang mga kabataan at pagkasugat ng 14 na iba pa. 

BOMBING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with