Kinilala ang suspek na si Dimario Bangon, ng Tropical Village Pabahay 2000, Brgy. San Francisco, ng nasabing lungsod.
Bigtime ‘pusher’ tiklo sa P1.7-M shabu
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2018 - 12:00am

CAVITE  , Philippines  —  Arestado ang isang umano’y bigtime na tulak ng droga matapos na mahulihan ng mahigit isang milyong pisong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust ope­ration sa General Trias City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Dimario Bangon, ng Tropical Village Pabahay 2000, Brgy. San Francisco, ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na report mula kay P/Supt. Paul Bometivo, hepe ng pulisya sa lungsod, matapos ang may ilang araw nilang surveilance laban sa suspek, ikinasa nila ang isang buy-bust operation at isang pulis nila ang nagpanggap na buyer ng droga sa suspek. Nang magkasundo, agad na iniabot ng suspek ang shabu sa buyer hanggang sa humudyat na ang pulis sa mga kasamahan na positibo ang operasyon sanhi upang arestuhin ang suspek.

Nakuha rito ang 7 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 155 gramo ng shabu na may market value na P1,700,000 at ang ginamit na buy-bust money.

BUY-BUST OPE­RATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with