Drug bust: 1 tumba, 17 natimbog
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2018 - 12:00am

BULACAN , Philippines  —  Isang lala­king sinasabing notoryus na tulak ang nasawi habang 17 iba pa ang naaresto sa drug bust operation ng pulisya sa iba’t ibang bayan dito nitong Martes hanggang kahapon ng madaling-araw.

Kinilala lamang sa alyas “Katal” ang suspek na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

 Ang mga naaresto ay nakilala namang sina Abigail Magtanong, Suzette Cruz, Victor Labiano, Rolando Galang, Lexter Santos, Michael Firanil, Rolando Faustino, Rodante Nieto, Estrella Aloba, Renato Alim Jr., Catherine Magdalena, Juan Taguiam Jr., Noel Villafranca, Sonny Boy Ignacio, Christopher Ignacio, Ronnel Lazaro at Jay del Rosario.

Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Fitz Macariola ng San Jose Del Monte City Police, dakong alas-2:50 ng madaling araw ay nakipagkita ang poseur buyer na pulis kay alyas Katal sa isang lugar sa Brgy. Sapang Palay Proper upang bumili ng binebentang shabu at habang nag-aabutan ang dalawa ng droga at marked money ay nakahalata ang suspek dahilan upang bunutin nito ang armas subalit naging maagap ang pulisya sanhi upang mabaril ang suspek.

Naaresto naman sa serye ng operasyon ang ibang mga suspek ng mga kagawad ng Bulacan Provincial Intelligence Branch sa San Jose Del Monte City, San Miguel, Pulilan, Paombong, Bocaue, Calumpit, Balagtas, Obando, Santa Maria at Baliwag.

DRUG BUST OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with