Tulak na karnaper/holdaper dedo sa shootout
(Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang sinasabing tulak ng droga na umano’y karnaper at holdaper ang nasawi matapos umanong manlaban habang inaaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang mapatay ng mga alagad ng batas si King Allain Viesa alyas ‘Moy-moy,’ nasa hustong gulang at nakatira sa Sitio Broadway, Barangay dela Paz, Antipolo City.

Si Viesa ay sinasabing responsable rin sa serye ng pa­ngangarnap ng motorsiklo at panghoholdap sa kanilang lugar sa Antipolo.

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek. Nang magkapalitan ng shabu at buy-bust money sa tahanan ng suspek, nakaramdam siya na pulis ang kausap kaya’t agad na bumunot ng baril at nagpaputok pero gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang suspek.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .38 revolver; patalim; body bag, 3 sachet ng shabu; 7 cartridge ng kalibre .38 revolver; 5 cartridge para sa kalibre .40 na baril; 2 motorsiklo; 11 helmet; mga parte ng motor at P200 buy-bust money.

SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with