Dating nakulong sa droga nilikida
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2018 - 12:00am

LUCENA CITY  , Philippines  —  Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating preso na nakulong dahil sa ilegal na droga habang nakaupo sa gilid ng pathway na sakop ng Purok Bangkusay, Barangay Dalahican, kamakalawa.  Kinilala ni P/Supt. Romulo Albacea, chief of police dito ang biktima na si Marlo Angelo Morales alyas Panyol, 32, binata ng Brgy. Kanlurang Mayao at may dalawang taon nang nakalalaya dahil sa paglabag sa RA 9165. 

Sa ulat, ala-1:15 ng madaling araw habang nagpapahangin ang biktima sa gilid ng kalye nang dumating ang hindi kilalang lalaki at agad siyang pinagbabaril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan. Mabilis na tumakas ang suspek habang  narekober ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng kalibre 45.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with