Pumalag sa tagay, tinarakan ng basag na bote sa leeg
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 10, 2018 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nasa maselang kalagayan ngayon ang isang 56-anyos na lalaki matapos na tarakan ng basag na bote sa leeg ng isang lasing na siga makaraang tumanggi sa alok na tumagay ng alak sa nadaanang grupo ng nag-iinuman sa Purok 1, Brgy. Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte noong Sabado ng hapon. Ginagamot pa sa ospital ang biktima na si Efren Labrador habang naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Darwin Casimiro, 34, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-3:15 ng hapon, habang nag-iinuman ang suspek at tatlo pang kasama sa tabi ng kalsada nang mapadaan ang biktima kasama ang dalawang kapatid na babae. Inalok umano ng kahit isang tagay ng gin ng suspek ang biktima pero tumanggi ang huli. Dahil sa napahiya sa ka-grupong senglot, nagalit ang suspek at binasag ang bote ng gin at isinaksak nito sa leeg ng biktima.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with