^

Probinsiya

Drug peddler patay sa barilan

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Drug peddler patay sa barilan
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Supt. Crisente Tiguelo, hepe ng Porac Police, nakilala ang napatay na suspek na si Joel Babon, 39, residente sa nasabing bayan.

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga  , Philippines  —  Isa na namang hinihinalang drug peddler ang napatay matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng Porac Police na nagsagawa ng anti-drug operation sa Brgy. Mancatian, bayan ng Porac, sa lalawigang ito, Huwebes ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Supt. Crisente Tiguelo, hepe ng Porac Police, nakilala ang napatay na suspek na si Joel Babon, 39, residente sa nasabing bayan.

Nabatid na dakong alas-4:10 ng madaling-araw nang isa­gawa ang drug buy-bust operation laban kay Babon sa Megadike Road, Brgy. Mancatian at isang  poseur buyer ang bumili sa kanya ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500. Nang magkaabutan ng droga at marked money, nakahalata umano ang suspek hanggang sa paputukan ang pulis na nagsilbing buyer at isang confidential informant subalit nagmintis ito. Mabilis na nagtatakbo ang suspek sa madamong bahagi ng lugar subalit nakipagputukan ang mga operatiba ng Porac hanggang sa masukol ang suspek at mabaril sa katawan.

Agad na isinugod ng nagrespondeng Porac Medical QRT ang suspek sa Josen Songco District Hospital sa Brgy. Babo Sacan, Porac subalit idineklarang patay.

vuukle comment

DRUG PEDDLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with