_ngayon
^

3 drug peddlers utas sa encounter

Boy Cruz, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinalaang notoryus na drug peddlers ang napatay matapos na makipagbarilan sa arresting team ng pulisya sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Oriental Mindoro at Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa report, sinabi ni Mimaropa Police Spokesperson P/Supt. Imelda Tolentino, dakong alas-10:50 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Sitio Longos, Brgy. Katuwiran 2, Baco, Oriental Mindoro. Gayunman nanlaban umano ang suspek na si Rick Escabante sa mga operatiba nang matunugang isang pulis ang ka-deal na nauwi sa shootout na siya nitong ikinasawi.

Sa tala, bukod sa pagiging drug pusher ay isa ring notoryus na gun-for-hire si Escabante. Nakumpiska sa operasyon ang isang cal. 45 pistol na may magazine at puno ng mga bala at limang plastic sachet ng droga.

Sa operasyon sa Bulacan, sinabi ni Sr. Supt. Chito Bersaluna, acting provincial police office director na napatay naman ang mga nanlaban na umano’y drug pushers na sina Christian Santiago alyas Tiano at Ronald Sanguyo, 32- anyos sa buy-bust operation sa San Jose del Monte City at Baliwag, Bulacan pasado alas-11 ng gabi kamakalawa. Nakumpiska rito ang apat na plastic sachet ng shabu, isang cal. 38 revolver, anim na bala, dalawang cal. 9mm  mula kay Santiago at Sanguyo at isang cal. 38 revolver at walong plastic sachet ng shabu.

Sa serye ng anti-drug operations sa iba’t-ibang lugar sa Bulacan, nasa 29 pang drug personalities ang nasakote. Nasamsam sa operasyon ang 33 plastic sachet ng shabu, isang brick ng pinatuyong dahon ng marijuana at isa pang kilo ng marijuana at mga drug paraphernalia.

DRUG PEDDLERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with