^

Drug suspect itinumba ng gunman

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 30, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines —Isang 25-anyos na lalaki ang patay habang sugatan ang dalawang kasamahan sa trabaho matapos na pagbabarilin ng ‘di pa kilalang suspek sa national highway sa Quezon Boulevard, Kidapawan City, kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Angelo Agtuca Gomera, helper ng Ermac roll-up door at residente ng Dumacon Village ng lungsod.

Sa report ng Kidapawan City Police, alas-5:20 ng hapon nitong Martes habang sakay ang biktima ng isang motorsiklo kasama ang dalawang ka-trabaho na sina Noel Domdom 42-anyos, at Jucris Oporto Tamboco, 26, at binabagtas ang kahabaan ng national highway nang bigla na lamang umanong dinikitan ng lalaking suspek na sakay din ng motorsiklo at binaril si Gomera.

Patay noon din ang biktima matapos na binaril ng gunman sa mukha habang sugatan ang dalawang kasama nito matapos matumba ang sinasakyang mo- torsiklo. Narekober sa crime scene ang dalawang fired cartridge case ng caliber 45 pistol. Ang pagkakasangkot umano sa ilegal na droga ang isa sa mga sinusundang anggulo ng Kidapawan City Police sa krimen.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with