^

Probinsiya

Trak hulog sa bangin: Trader, 1 pa patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Trak hulog sa bangin: Trader, 1 pa patay!
Kinilala ang nasawing negosyante na si Benjamin Cipriano, 44-anyos, tubong Brgy. Taleb, Tabaan Sur, Tuba habang ang isa na sakay nito ay si Caridad Cipriano, 90-anyos, isang biyuda.

MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang negosyante ang nasawi makaraang aksidenteng mahulog ang kanilang sinasakyan na mini dump truck   sa may 20 metrong lalim na bangin  sa Brgy. Tabaan Sur, Tuba, Benguet kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing negosyante na si Benjamin Cipriano, 44-anyos, tubong Brgy. Taleb, Tabaan Sur, Tuba habang ang isa na sakay nito ay si Caridad Cipriano, 90-anyos, isang biyuda.

Ang dalawang biktima na kapwa nagtamo ng malulubhang sugat at pagkadurog ng kanilang katawan at ulo ay idineklarang dead-on-arrival sa Northern Luzon Adventist Hospital.

 Sa ulat  ni Cordillera Police Director P/Chief Supt. Rolando Nana, dakong alas-6 ng gabi nang  mangyari ang trahedya habang bumabagtas ang mga biktima sa kahabaan ng matarik na highway lulan ng kulay asul na Isuzu (ADH 1591) ng Kiwai Road, Brgy. Tabaan Sur, Tuba ng lalawigan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na hindi napansin ng nasabing negosyante ang pagkasira ng highway na gumuho ang kapirasong bahagi nito bunga ng masamang lagay ng panahon. Dahil dito, tuluy-tuloy na nahulog sa bangin ang nasabing trak.

Nang maiahon at ma­tanggal ng rescue team mula sa pagkakaipit sa sasakyan ang dalawang biktima ay nagawa pa nilang maisugod sa pagamutan  subalit nabigo ang mga manggagamot na maisalba ang kanilang buhay.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with