^

Probinsiya

Nag-amok sa convenience store, bulagta sa sekyu

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Isang mister ang tumimbuwang matapos siyang barilin ng security guard sa binabantayang convinience store sa Km 6, Poblacion, La Trinidad, Benguet kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si John Paul Sallaya, nasa hustong gulang habang agad namang sumuko sa otoridad ang sekyu na si Mark Pajarillo, 22. Lumalabas sa imbestigasyon na inawat at pinauwi ni Pajarillo si Sallaya na bigla na lamang nagwala at binasag ang boteng ininuman ng serbesa sa sangay ng 7-Eleven convenience store dakong alas-2:30 ng madaling araw. 

Ayon sa report, umuwi si Sallaya subalit nagbalik na may dala nang gulok at saka pinaghahabol ang iba pang parokyano ng tindahan kung kaya binaril na siya ng nakatalagang guwardya. 

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with