^

Probinsiya

Rider sumemplang, dedo sa bus

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nagkaluray-luray ang katawan ng isang 40-anyos na rider makaraang sumemplang ang minamanehong motorsiklo at sumalpok sa kasalubong na bus sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng madaling araw. Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Ruben Jacob Escudero, isang construction worker at residente ng Brgy. Binitayan, Camalig. 

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw, magkasalubong na tinatahak ng biktima at BV Bus Liner (ACC-8531) na minamaneho ni Roderick Loreto, 35, ang naturang highway nang mawalan ng kontrol at sumemplang sa kalsada ang rider at mapunta sa kabilang linya at sumalpok sa paparating na bus. Patay agad dahil sa matinding pinsala at sugat sa katawan ang biktima habang sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang driver ng bus.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with