^

Probinsiya

Habal-habal driver itinumba

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Tigmak sa dugo at wala nang buhay nang datnan ng kanyang misis habang nakagapos at nakabulagta sa kalsada ang isang habal-habal driver matapos barilin ng ‘di nakilalang gunmen sa Brgy. Progreso sa bayan ng San Fernando, Masbate kamakalawa ng hapon.  Sanhi ng mga tama ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, nasawi noon din ang biktimang si Ruel Amante, 48, ng Brgy. Silangan. Ayon sa ilang saksi, dakong ala-1:00 ng hapon nakita pang bumiyahe ang biktima mula Brgy. Poblacion patungong Brgy. Bunevista pero pagdating sa nasabing lugar pinara ito ng hindi nakilalang mga armadong suspek at ginapos ng lubid ang dalawang kamay saka pinagbabaril.

Agad namang tumakas ang mga suspek tangay ang motorsiklo ng biktima. Nakuha ng mga pulis sa crime scene ang lubid na ginamit na pantali sa biktima at ilang basyo ng hindi malamang kalibre ng baril.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with