Ex-konsehal ng Cagayan nilikida
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Patay ang isang dating konsehal ng bayan ng Cagayan nang ratratin ng ‘di pa natutukoy na mga gunmen habang naglalakad sa Brgy. Pallua Sur sa lungsod na ito noong Linggo. Sa report ng Tuguegarao City Police, hindi na nakaabot nang buhay sa ospital si dating Councilor June Cusipag, 44, ng Solana, Cagayan dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Lumalabas sa imbestigasyon na galing mula sa kanyang bahay sa Cagelco Village ang biktima nang hintuan siya ng isang kulay abong Toyota Fortuner saka siya niratrat ng killer dakong alas 9:30 ng umaga. Ayon sa pulisya, wala sa kanilang drugs watchlist ang dating opisyal habang alitan sa lupa ang isa sa mga tinitingnang anggulo sa motibo ng pamamaslang.
- Latest