Obrero ng Maynilad nagbigti
CAVITE , Philippines — Nakabigti at patay na ang isang obrero ng Maynilad nang datnan siya ng kanyang mga kasamahan sa loob ng kanilang barracks sa Greenvalley Brgy. Molino 2 Bacoor, Cavite, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronald Roy Abit, 27 ng Brgy. Moonwalk, Parañaque City. Sa ulat ng pulisya, alas-12:47 ng hapon nang madiskubre ng mga kasamahan ang nakabigting katawan ng biktima.
Nabatid na naiwan umanong mag-isa ang biktima sa nasabing barracks dahil sa masama umano ang katawan nito. Subalit pagbalik ng mga kasamahan nito sa barracks ay dito na nila natagpuan ang nakabigting biktima.
- Latest