^

Probinsiya

‘Karnaper’ tumba sa engkuwentro

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
�Karnaper� tumba sa engkuwentro
Kinilala ang napatay na suspek na si Christian Abudi habang tinutugis ng mga pulis ang ‘di pa kilalang ka-tandem nito.

CAVITE  , Philippines  —  Patay ang isang karnaper habang nakatakas ang kasama nito matapos na manlaban sa mga pulis na humabol sa kanila nang kanilang umano’y tangayin ??ang isang motorsiklo sa Noveleta ng lalawigang ito kahapon.

Kinilala ang napatay na suspek na si Christian Abudi habang tinutugis ng mga pulis ang ‘di pa kilalang ka-tandem nito.

Sa inisyal na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Police Director Senior Supt. William Segun, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng mga suspek at mga pulis sa Brgy. San Rafael 4.

Ayon sa biktimang si Darwin Encarnacion, minamaneho niya ang kanyang motorsiklo na Honda Wave (UP 3775) nang harangin siya ng riding-in-tandem na mga suspek at saka bumaba ang backrider nito at puwersahang tinangay ang kanyang motorsiklo.

Agad na nakatawag sa pulisya ang biktima at hu­mingi ng tulong na agad namang nirespondehan ng mga nagpapatrol na pulis at naispatan ang mga suspek. Pero sa halip na sumuko ay pinaputukan pa ang mga awtoridad kaya nagkaroon ng palitan ng putok.

Napatay sa engkuwentro si Abudi habang mabilis na nakatakas ang isa pang suspek patungong direksyon ng Cavite City.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with