^

Probinsiya

Jeep vs van: 3 patay, 7 sugatan

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Jeep vs van: 3 patay, 7 sugatan
Kinilala ang mga biktima na sina Lui­sito Sarte, dead-on-the-spot sa insidente matapos na maipit sa nayuping unahang ba­hagi ng behikulong minamaneho nito at ang mga pasahero nitong sina Segundina Llamado at Menilla Llovido.

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang patay habang pito ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang jeepney at kasalubong nitong van sa kahabaan ng Maharlika highway, Atimonan, Quezon kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang mga biktima na sina Lui­sito Sarte, dead-on-the-spot sa insidente matapos na maipit sa nayuping unahang ba­hagi ng behikulong minamaneho nito at ang mga pasahero nitong sina Segundina Llamado at Menilla Llovido.

Si Llamado ay nasawi habang isinusugod sa Doña Martha Memorial District Hospital habang namatay habang ginagamot sa ospital si Llovido.

 Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang mga sugatang sina Jocelyn Bengua, Salvacion Pasagi, Cara Alcidor, Victoria delos Santos, Liza Llamado Celebrada Montayas at ang driver ng jeepney na si Martinez.

 Sa ulat ng Quezon Police, dakong alas-11:35 ng gabi nang magbanggaan ang south bound jeepney na minamaneho ni Edwin Martinez at kasalubong nitong van na minamaneho naman ng nasawing si Sarte pagsapit nila sa nasabing lugar. Tinangka pang iwasan ng driver ng jeepney ang isang truck na nakaparada sa tabi ng highway bunsod upang maokupa nito ang kabilang linya.

 Sa bilis ng pangyayari, nabigo umano ang driver ng jeepney na iwasan ang papara­ting na van na nagbunsod sanhi ng salpukan.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with