^

Probinsiya

2 suspek sa rape slay timbog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 suspek sa rape slay timbog
Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Arwin Tadeo, dakong alas-7:00 ng gabi, sinalakay ng mga tauhan nito ang bahay ng binatilyong suspek matapos na ituro siya ng isang babaeng testigo na siyang nagsangla ng cellpone na pag-aari ng biktima.

BULACAN  , Philippines  —  Dalawang lalaki kabilang ang isang 16-anyos ang naaresto dahil sa panggagahasa at pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita, may ilang araw na ang nakalilipas, sa isinagawang follow-up operation noong Huwebes ng gabi sa magkahiwalay ng lugar ang dalawang lalaki na sinasabing res­ponsable sa krimen sa Brgy. Dampol 1st, bayan ng Pulilan. Kinilala ang isang suspek na si Melvin Altubar, nasa hustong gulang ng Brgy. Poblacion habang nasa kustodya ng lokal na DSWD ang isa pang suspek na 16-an­yos na helper.

Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Arwin Tadeo, dakong alas-7:00 ng gabi, sinalakay ng mga tauhan nito ang bahay ng binatilyong suspek matapos na ituro siya ng isang babaeng testigo na siyang nagsangla ng cellpone na pag-aari ng biktima. Sa tactical interrogation, bumigay ang menor-de-edad at saka itinuro ang kasabwat na si Altubar. Nabatid na nagkaroon ng masayang inuman ang mga suspek at biktima sa loob ng isang bahay noong Martes ng gabi at nang mahilo ang biktima ay dito na siya inumpisahang gahasain sakalin at sinaksak pa ng ilang beses at saka itinapon sa isang sapa.

vuukle comment

MELVIN ALTUBAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with